Wednesday, June 15, 2016

Budget para sa Senior High School ng Balabag, mahigit sa 56 na libo -Espinosa

Posted June 16, 2016
Ni Inna Carol Zambrona, YES FM Boracay

Mahigit Limamput-anim na libo ngayon ang inilaang pondo ng Department of Education (DepEd) para sa Senior High school ng Balabag sa isla ng Boracay.

Ito ang sinabi ni Leila Espinosa Senior High school Coordinator ng BNHS, bilang pag-uumpisa ng klase sa Senior high school sa kanilang paaralan.

Nabatid na ito umanong  ay quarterly na ibibigay ng Deped kung saan gagastusin ito sa mga pangangailangan ng mga estudyante sa kanilang mga kursong kinuha sa Senior high school.

Samantala ang nasabing budget ay  na Maintenance and other operating Expenses o (MOOE) na galing sa DepEd.

Sa kabilang banda umabot sa 126 na estudyante ang nag-enroll ngayon sa Senior high school ng naturang paaralan kung saan kasama na ito sa 830 ng mga estudyante na nag-aaral ngayong pasukan simula Grade 7 hanggang 10 sa Balabag National High School.

Samantala, maaari pa umanong madadagdag ang mga ito dahil sa posibleng may maghahabol pang mag-enroll hanggang sa huling araw nito sa Hunyo 17.

No comments:

Post a Comment