Saturday, June 18, 2016

Libro sa mga paaralan puweding bilhin sa labas-DepEd

Posted June 18, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for libroMaaari naman umanong bilhin sa labas ng mga paaralan ang kanilang mga libro ayon sa Department of Education (DepEd).

Ito ang sinabi ni Chief Education Supervisor Curriculum Implementation Division DepEd Aklan Dr. Dovie Parohinog sa himpilang ito.

Ayon kay Dr. Parohinog, wala namang batas sa DepEd na nagbabawal na maaari kang bumili ng libro o aklat sa labas ng paaralan.

Nabatid kasi na may ilang paaralan na nagre-require sa kanilang mga estudyante na kailangang doon lang sila bumili ng libro ngunit mahal umano ang presyo nito kumpara sa labas.

Napag-alaman na ilan lamang ito sa mga sitwasyon ngayong pagbubukas ng klase.

No comments:

Post a Comment