Friday, June 17, 2016

Dalawang empleyado ng Kalibo International Airport, pina-alis sa trabaho matapos maging positibo sa drugtest

Posted June 18, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for Kalibo International Airport (KIA)Sinibak sa trabaho ang dalawang empleyado ng Kalibo International Airport (KIA) matapos itong magpositibo sa drugtest.

 Nakilala sa isinagawang drugtest ang dalawang empleyado na sina Jeffry Dordas security guard at Renato Roque facility cleaner ng nasabing paliparan.

Sinabi ni airport manager Engr. Martin Tere, ang random drug testing ay isinagawa noong Abril 21, 2016 ng Office of the Flight Surgeon and Aviation Medicine sa 125 contractual at regular na empleyado ng Kalibo Airport.

No comments:

Post a Comment