Tuesday, June 14, 2016

Nahulog na cellphone ng turista, tinangay ng magnanakaw

Posted June 14, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for theftKitang-kita ng dalawang mata ng turistang Korean national kung paano mabilis na tinangay ng magnanakaw ang kanyang nahulog na cellphone sa Mainroad ng Station 2, Brgy. Balabag.

Salaysay ng biktima na si Kyunghee Hwang, 34-anyos sa mga pulis, naglalakad umano siya kasama ang kanyang anak papunta sa isang supermarket ng mapansin nitong nahulog sa kanyang bulsa ang cellphone.

Subalit ng pulutin na niya umano ito ay naunahan siya ng isang lalakaing mabilis na dumapot sa cellphone nito sabay takas sakay ng motorsiklo.

Dito sinubukan pa umano ng biktima na habulin ang suspek ngunit hindi na niya ito naabutan pa.
Samantala, ang nasabing insidente ay ini-imbestigahan na ng mga pulis ng Boracay PNP station.

No comments:

Post a Comment