Posted June 17, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Hindi na
kailangan pang humingi ng tulong sa kalapit na lugar ang bayan ng Malay
sakaling magkaroon ng sunog sa nasabing bayan.
Ito’y matapos
inaprobahan na ng Sangguniang Bayan ng Malay ang Resolution No. 038 series of
2016 na nagsasabing maaari ng i-activate ang Fire Safety ng Bureau of Fire sa
buong bayan ng Malay.
Sa ngayon ay
mayroon na silang limang fire fighters habang lima naman ang kanilang
volunteers mula sa Disaster Team.
Sa kabila nito
sinabi naman ni Head Officer Marlo Schonenberger ng Municipal Disaster Risk
Reduction Management Office na nag-donate sa kanilang property ang LGU Malay ng
400 square meters na lupa kung saan dito itatayo ang Fire Station kasama na ang
MDRRMC Office.
Samantala, ang
BFP Malay ay isa na ngayong Substation Office ngunit hindi pa malinaw kung
magkakaroon din sila ng sariling transaksyon kagaya ng pag-proseso ng mga
permit.
No comments:
Post a Comment