Wednesday, June 15, 2016

Publiko hinikayat sa Mass Blood Donation ng PRC ngayong Biyernes

Posted June 15 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Nakatakdang magsagawa ngayong araw ng Biyernes Hunyo 17 ng Mass Mass Blood Donation ang Philippine Red Cross (PRC) Boracay-Malay Chapter.

Ito ay bilang pakikiisa sa selebrasyon ng World Blood Donor Day kung saan layun nito na makalikom pa ng maraming dugo para sa mga nangangailangan.

Dahil dito hinikayat ngayon ni Head Officer Marlo Schonenberger ng Municipal Disaster Risk Reduction Management Office at dating PRC Boracay-Malay Chapter ang publiko na makiisa sa nasabing Blood donation.

Samantala, kinakailangan umano sa pag-donate ng dugo ay mayroong sapat na tulog mula anim hanggang walong oras, walang ininum na alak, hindi naka-inom ng gamot sa loob ng 24-oras at may sapat na kinain.

Ang Mass Mass Blood Donation ay isasagawa sa PRC Office sa Ambulong, Manoc-Manoc Boracay simula alas-9 ng umaga hanggang alas-3 ng hapon.

No comments:

Post a Comment