Thursday, June 16, 2016

National Telecommunication Commission, magsasagawa ng Mobile Licensing sa Boracay

Posted June 17, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for ntcMagsasagawa ngayon ng Mobile Licensing ang National Telecommunication Commission o NTC para sa isla ng Boracay sa susunod na buwan Hulyo 4-8,2016.

Nabatid na ang lahat ng mga business establishment na kumukuha ng business purchasing, selling, leasing, retailing o mga nag-aayos ng sirang cellphone ay kinakailangang kumuha ng permit at registration certificate mula sa National Telecommunications Commission.

Samantala, kung sino man ang hindi maka-kuha ng permit o makapag-renew nito ay bibigyan ng penalty kung saan kukumpiskahin naman ang mga cellphone unit at radio transeceiver sets.

Maliban dito, hinihikayat rin ng NTC ang business at commercial establishment kagaya ng Hotel/Resorts, Mall at Restaurant owners ng two-way radio transceivers na bisitahin lamang sila sa Marzon’s Resort Station 3 para kumuha ng kinakailangang permit at lisensya upang maiwasan ang pag-kumpiska at pagpataw sa kanila ng penalidad.

No comments:

Post a Comment