Thursday, June 16, 2016

Bag ng turista hinablot ng magnanakaw sa Boracay

Posted June 16, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for snatchingHumingi ngayon ng tulong ang isang Singaporean national sa Boracay PNP matapos hinablot ang kanyang bag ng magnanakaw sa Mainroad ng Brgy. Balabag, Boracay.

Nakilala ang biktima na si Cheong Heem Meng, 33-anyos isang Operation Executive at temporaryong nakatira sa isang resort sa nasabing lugar.

Sumbong ng biktima sa mga pulis sa Boracay PNP, naglalakad umano siya kasama ang kanyang pamilya sa lugar ng nilapitan siya ng dalawang hindi nakilalang lalaking suspek sabay hablot ng kanyang bag.

Sinubukan pa umanong habaulin ng biktima ang suspek pero bigo rin niyang maabutan ito.

Nabatid na naglalaman ang bag ng tatlong cellphone, Laptop Mac Book, camera at wallet na naglalaman ng cash na P33, 000.

Samantala, ini-imbestigahan na ngayon ng Boracay PNP ang nasabing insedente.

No comments:

Post a Comment