Tuesday, June 14, 2016

Coastguard Caticlan naglaan ng karagdagang equipment ngayong tag-ulan

Posted June 14, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for Philippine Coastguard
Mayroon ngayong karagdagang tatlong equipment na aluminum boat at isang rubber boat ang Philippine Coastguard (PCG) Caticlan.

Ito ang sinabi ni Lt. Edison Diaz Commander in Chief ng PCG-Caticlan.

Ayon kay Diaz ito umano ay paghahanda ngayong tag-ulan o pang-rescue sakaling magkaroon ng insidente sa karagatan dala ng malakas na hangin ng Habagat.

Bagamat limitado parin umano ang kanilang kagamitan, sinabi nito na nakipag-tulungan sila sa mga stakeholders sa Boracay na mayroong mga patrol boat o rubber boat sakaling may kanilang isasagawang recue operation.

Samantala, nag-paalala naman si Diaz sa publiko na iwasan ang paglayag sa karagatan lalo na ang mga maliliit na bangka upang maiwasan ang insidente.

No comments:

Post a Comment