Wednesday, June 15, 2016

Publiko binalaan sa Modus Operandi ngayong balik eskwelaPhotp by

Posted June 15, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Photo by Frensy Andrade
Balik eskwela na naman, kung kayat balik operasyon narin ang ilan sa mga may masasamang balak kagaya ng gumagawa ng ibat-ibang Modus Operandi.

Dahil dito ang Malay Municipal Police Station sa pamumuno ni PSINSP Frensy Andrade ay nagsagawa ng lecture sa Caticlan Elementary School na dinaluhan naman ng Faculty at PTA organization sa naturang paaralan.

Ang lecture ay kaugnay sa R.A. 9165 kasama na nga rito ang ibat-ibang Modus Operandi kagaya ng SALISI, AKYAT BAHAY at BUDOL-BUDOL kung kayat binalaan nito ang publiko sa posibleng mangyari ngayong balik eskwela.    

Samantala, maliban dito nagbigay rin si Andrade ng Crime Prevention at Safety Tips sa mga dumalo kung saan nauwi naman ito sa positibong resulta para sa lahat.

No comments:

Post a Comment