Monday, June 13, 2016

Permit para sa construction ng docking facility sa Punta Bunga, Boracay hiniling ng Gobernador sa SP

Posted June 13, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for illegal docking of boatIsang kahilingan ngayon ang hiningi ni Aklan Governor Florencio Miraflores sa Sangguniang Panlalawigan (SP) Aklan.

Sa ginanap na 19th Regular Session ng Sangguniang Panlalawigan, nakasaad na ang hinihiling ng Gobernador ay para sa isang malaking kumpanya sa bansa na magsasagawa ng kanilang operation construction ng docking facility sa Punta Bunga, Barangay Yapak isla ng Boracay.

Nabatid na nais ng kahilingang ito ng gobernador ay para sa direktang transport ng kanilang mga bisitang magbabakasyon sa isla ng Boracay.

Samantala, ang naturang usapin ay ini-refer naman sa Committee on Laws and Transportation upang maisailalim sa pag-aaral.

No comments:

Post a Comment