Saturday, June 18, 2016

Pasukan ng mga estudyante sa Balabag, Elementary, School, naging maayos

Posted June 18, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Naging maayos umano ang unang linggo ng pagbubukas ng klase sa Balabag, Elementary, School.

Ayon kay Ligaya Aparicio Principal 1 ng Balabag Elementary,School, simula umano sa kindergarten hanggang sa Grade 6 ay wala silang naging masyadong problema sa mga estudyante.

Sinabi pa nito, na ito ay isang magandang simula sa kanilang mga guro at mga estudyante dahil sa unang araw palang ng pasukan ay nagsagawa agad sila ng klase.

Aniya, ito umano ay dahil sa maagang nagpa-enrol ang mga mag-aaral kung saan malaking tulong din sa kanila ang taunang ginagawang Brigada Eskwala.

Personal na tinukoy nito na ang nakagawian umano dati sa unang araw ng klase ay naglilinis pa lamang sila imbes na magturo.

Samantala, nagpapasalamat naman si Aparicio sa mga guro sa Balabag, dahil sa kanilang pagtutulungan pagdating sa mga kanilang gawain.

Maliban dito, patuloy parin ang kanilang pagtanggap ng mga estudyanteng mag e-enroll hanggang sa Hunyo-17.

No comments:

Post a Comment