Monday, June 20, 2016

Turista sa Boracay todo buhos sa kabila ng palagiang sama ng panahon

Posted June 20, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for boracay touristMistula paring summer ang isla ng Boracay dahil sa dami ng mga bakasyunista kahit na panay ang buhos ng ulan.

Katunayan siksikan parin ang beach area pagsapit ng hapon kung saan marami ang mga naliligo sa kabila ng malakas na alon sa karagatan.

Maliban dito hindi naging handalang sa mga turista ang muling pagbabaha sa isla ng Boracay partikular sa ilang bahagi ng mainroad area sa Boracay.

Kaugnay nito handang-handa na ngayon ang mga kinauukulan sa pagpasok ng “Habagat” season sa isla ng Boracay sa pangunguna ng Philippine Coastguard.

Nabatid na kalimitang dinadagsa ng mga turista ang isla ng Boracay tuwing week end lalo na ang mga pinoy kung saan walang pasok ang ilan sa trabaho at eskwela.

No comments:

Post a Comment