Friday, June 17, 2016

Turistang lalaki, niluoban ng magnanakaw habang natutulog

Posted June 17, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for nilooban ng magnanakawLaking gulat umano ng isang turistang lalaki matapos itong pagnakawan habang natutulog sa hotel na tinutuluyan sa Brgy. Balabag, Boracay.

Sa report ng Boracay PNP, nakilala ang biktima kay Lyndon Yorong Jr., 28-anyos Project Assistant ng isang resort at temporaryong  sa nasabing Brgy.

Nabatid na nagising nalang umano ang biktima na nawawala na ang kanyang bag na nakalagay sa loob ng kanyanag kwarto kung saan mabilis naman itong humingi ng tulong sa security guard sa lugar para malaman kung may pumasok sa kanyang kwarto.

Subalit, sa paghahanap naman  ng biktima ay dito niya nadiskubrihan na naka-kabit na ang kanyang bag sa isang sari-sari store malapit sa lugar at wala na ang laman nito na cellphone, relo, at cash na P5,000.

Sa ngayon, ay patuloy ang ginagawang imbestigahan ng mga pulis ng Boracay PNP station sa lugar kung ito ba ay may CCTV camera para malaman ang pagkakakilanlan ng supek.

No comments:

Post a Comment