Monday, June 13, 2016

Vendors at commissioners sa mga pantalan, ipagbabawal

Posted June 13, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for cagban jetty portNagmumukha na umanong Quiapo ang pantalan sa isla ng Boracay.

Ito ang sinabi ni SB member Rowen Aguirre sa Session ng Malay nitong Martes matapos na mapansin nito ang mga coordinator na paharang-harang sa mga daraanan ng mga turista.

Maliban dito napansin din sa konseho ang mga vendors ng sombrero at sunglasses na sinasalubong ang mga turista na naglalakad.

Ayon kay Aguirre wala naman umanong masama ang mag-hanap buhay ngunit kailangan din umano itong ilagay sa tama.

Samantala, tinatawagan naman nito ang mga kinauukulan na kung maaari ay mabigyan ito ng pansin kagaya ng mga otoridad dahil kung minsan umano ay siya na rin mismo ang nakikipag-usap sa mga ito na huwag harangan ang mga turista lalo na sa mga pantalan pa lamang.

No comments:

Post a Comment