Friday, June 17, 2016

Brgy. kagawad na No. 2 drug personality sa Malay, kalaboso sa buy-bust operation

Posted June 18, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for kalaboso sa pagbebenta ng drogaTimbog sa isinagawang buy bust operation ang isang Brgy. Kagawad sa Malay kagabi sa Brgy. Argao ng nasabing bayan.

Ayon kay PO2 Denver Pagayon ng Malay PNP, na-aresto ang suspek na si Al Belejerdo alyas “TOTONG”, 37-anyos Brgy. kagawad ng nasabing lugar sa pinagsanib pwersa ng Provincial Anti-Illegal Drugs Special Operations Task Group (PAIDSOTG), Maritime Police at Malay PNP.

Nasabat mula sa suspek ang tatlong sachet ng suspected shabu, isang unit ng cellphone na naglalaman ng mga illegal drug transactions at tatlong libong peso na ginamit ng poseur buyer.

Sa ngayon ang suspek ay naka-kustodiya sa lock-up-cell ng Malay PNP at nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o dangerous drugs act of 2002.

No comments:

Post a Comment