Friday, June 17, 2016

Transition team ng LGU Malay para sa bagong administrasyon nakatakda ngayong Lunes

Posted June 18, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay   

Image result for dilg malayNgayong Lunes na ang itinakdang Transition team ng Department of Interior and Local Government (DILG) sa bagong administrasyon sa bayan ng Malay.   

Ito ay base sa Memorandum Circular No. 2016-17 na may petsang Pebrero 17, 2016 kung saan ang Provincial Governor, City at Municipal Mayor ay inaatasan na gumawa ng Local Governance Team. 

Ayon kay MGLOO Mark Delos Reyes, ito ay may kaugnayan sa national at local elections nitong Mayo 9, 2016 para sa na halal na opisyales bago man o re-elected.  

Kasama umano sa mga dadalo sa nasabing transition ay ang lahat ng mga department heads ng Malay at ang bagong team ng uupong administrasyon ngayong Hulyo.

Maliban dito magsisilbi namang Chairman sa nasabing transition si outgoing Mayor John Yap at LIGA President Abram Sualog Vice Chairman habang ang miyembro naman ay sina Mark Delos Reyes at Mayo Tumaob President ng PPC.   

Samantala, papasok sa Transition ang inventory kagaya ng Land, Building, Infrastructure facilities kasama na ang pag-assemble ng lahat ng rekord at dokumento katulad ng CY 2015 COA report.

No comments:

Post a Comment