Wednesday, June 15, 2016

Tindahan at hotel, nabiktima ng Estafa ng nagpakilalang alkalde ng Malay

Posted June 16, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for estafaSanib pwersa ngayong nagparekord ang tatlong biktima ng isang hotel at tindahan matapos itong mabiktima ng estafa ng nagpakilala umanong mayor ng Malay.

Nakilala ang biktimang Front office ng hotel na si Honey Grace Yamyumin 23-anyos habang si Annaliza Alvarez saleslady at Milla Jane Dela Torre cashier ng tindahan.

Ayon sa blotter report ng mga pulis, unang nakatanggap ng tawag ang FO ng hotel na si Yamyumin sa nagpakilalang alkalde ng Malay na nagpapabooked ito ng kwarto para sa kanyang guest kung saan nag-request pa itong bilhan siya ng pagkain sa isang fast food chain kung kayat inutusan naman nito ang kanilang room attendant para bilhin ang ipinagutos ng suspek.

Subalit, ng nasa loob na ito ng fast food chain ay nakatanggap ito ng tawag sa suspek na nagpakilalan Mayor ng Malay na bilhan siya ng load.

Sa kabilang banda pumunta ang Room attendant sa tindahan ng dalawang nagre-reklamo at dito kina-usap sila ng nagpakilalang Mayor gamit ang cellphone nito para loadan ang number nito.

Nabatid na walong number ang ibinigay ng suspek kay Dela Torre para loadan ito kung saan ang halaga lahat nito ay mahigit P18, 739.00.

Sinubukan pa umanong kontakin ng mga ito ang ginamit na number ng suspek pero hindi na nila ito makontak.

Sa ngayon, ang dalawang kasong isinampa ng mga ito na Estafa sa nagpakilalang Mayor ay ini-refer na sa intel operative ng Boracay PNP station.

No comments:

Post a Comment