Monday, June 13, 2016

Babae kulong, matapos maaktuhang nagnanakaw ng pera sa sari-sari store

Posted June 13, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for kulongArestado ngayon ang isang babae matapos itong maaktuhang nagnanakaw ng pera sa loob ng isang isang sari-sari store sa Sitio Pinaungon Brgy. Balabag kanina ng madaling araw.

Sumbong ng may-ari at biktima na si Almar Dela Cruz 41-anyos sa Boracay PNP, nagising umano siyang may humihila sa dalawang container ng mantika sa harapan ng pintuan ng kanyang tindahan.

Dahil dito, agad niya itong binangon at doon ay nakita niya ang suspek na nasa loob na ng sari-sari store at kinukuha ang pera na mabilis namang nakatakas.

Nabatid na sinubukan pa ng biktima na hulihin ang suspek pero hindi na niya umano ito naabutan ngunit laking pasasalamat naman nito na may nakita siyang mga pulis sa lugar at doon ay humingi siya ng tulong kung saan agad naman nila itong na-korner.

Sa ngayon pansamantalang naka-kustudiya ang suspek sa Boracay PNP kung saan napag-alaman na tinangay nito ang perang nag-kakahalaga ng P1,720.

No comments:

Post a Comment