Monday, June 13, 2016

Top 10 sa drug watchlist ng Malay PNP, huli sa buybust operation

Posted June 13, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay  

Image result for kulong sa drugsKulong ngayon ang isang lalaking pasok sa top 10 drug personalities ng Malay PNP sa isinagawang buybust operation sa Sitio Hagdan Brgy. Yapak, Boracay kagabi.

Sa isinagawang operasyon ng Municipal Anti-Illegal Drug Special Operations Task Group (MAIDSOTG) ng Malay PNP at Boracay PNP, na-aresto ang suspek na si Benjie Resales y Gonzaga, 28-anyos isang commissioner at residente ng Bacolod City habang temporaryong nakatira sa nasabing lugar.

Nakuha sa suspek ang isang sachet ng ilegal na droga na may kapalit na perang apat na libo mula sa isang poseur buyer habang sa ginagawang imbestigasyon ay may lima pa umanong  sinasabing ilegal na droga ang nakumpsika mula rito.

Sa ngayon ang suspek ay naka-kustodiya sa lock-up-cell ng Malay PNP at nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o dangerous drugs act of 2002.

No comments:

Post a Comment