Friday, June 17, 2016

Kabuuang budget ng MEEDO Malay para sa 2016, ini-refer na sa Provincial Local and Finance Committee

Posted June 18, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for budgetIni-refer na ang kabuuang budget  para sa taong 2016 ng Municipal Economic Enterprises Development Office (MEEDO) ng LGU-Malay  sa Provincial Local Finance Committee (PLFC).

Sa ginanap na 20th Regular Session ng SP Aklan, nabatid na ang budget na nasa resulotion No. 029 ay ini-refer na para sa pag-aproba ng PLFC kung saan nagkakahalaga ito ng P20, 220,800.00.

Ang nasabing  budget umano ay tinatawag na Income Generating Project kung saan gagamitin ito sa mga Filter house, operasyon ng Jetty Port, slaughter house, health office at iba pang income re-sources ng Malay.

No comments:

Post a Comment