Wednesday, June 15, 2016

Malay Day ipinagdiriwang ngayong araw

Posted June 15, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Nasa Special Holiday ngayong Miyerkules ang bayan ng Malay para alalahanin ang naging paglagda sa Republic Act 381 na lumikha sa Municipality ng Malay at sa seperasyon nito sa Buruanga.

Dahil dito isang Thanksgiving mass ang isinagawa kaninang alas-8 ng umaga sa Malay kasabay ng Fun Run activity na inorganisa ng Environmental Office.

Nabatid na ang Malay ay ginawa sa pamamagitan ng Republic Act 381 na inaprobahan ni dating President Quirino sa Malacanan Palace noong Hunyo 15, 1949 at noon ay probinsya pa ng Capiz.

Samantala, isang maikling programa rin ang ginanap kaninang umaga sa Malay covered court na dinaluhan naman ng mga opisyales ng nasabing bayan at mga empleyado ng LGU.

No comments:

Post a Comment