Saturday, April 18, 2015

3 libong police sisimulan nang e-deploy sa Mayo 5 para sa APEC meeting sa Boracay

Posted April 18, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for apec ministerial meeting 2015Kasado na ang ginagawang paghahanda ng Philippine National Police (PNP) para sa deployment ng mga pulis sa nalalapit na APEC ministerial meeting sa Boracay ngayong Mayo.

Ayon kay Boracay Tourist Assistance Center OIC PSInsp.Frensy Andrade, simula umano sa Mayo 5 ay ipapakalat na ang tatlong libong pulis mula sa Kalibo International Airport hanggang sa Caticlan sa bayan ng Malay.

Sinabi nito na sa Mayo 10 na ang dating ng mga delegado sa probinsya ng Aklan kung saan mula sa nasabing paliparan ay diritso ang mga ito sa isla ng Boracay.

Samantala, lahat umanong mga Sitio sa isla ay may mga naka-standby na mga police hanggang sa matapos ang nasabing meeting sa Boracay.

Nabatid na mahigit sa dalawang libong delegado mula sa ibat-ibang bansa ang kasama sa nasabing APEC meeting na magtatagal ng dalawa o tatlong linggo.

Samantala, pagpasok ng buwan ng Mayo isang mahigpit na seguridad ang ipapatupad sa Boracay lalo na sa mga lugar na pagdadarausan ng naturang APEC ministerial meeting.

No comments:

Post a Comment