Posted April 13, 2015
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Nakatakda ngayong imbestigahan ng Office on
Presidential Assistant for Rehabilitation and Recovery (OPARR) sa Aklan ang
umano’y mga iregularidad sa Yolanda shelter aid.
Ayon kay OPARR-Aklan legal consultant Atty. Benny
Salazar, hiniling din umano nila sa National Bureau of Investigation (NBI) na magkaroon
ng parallel investigation tungkol dito.
Anya, umaapela din sila sa publiko na e-report sa
kanilang tanggapan ang umano’y mga nakikitang problema kaugnay ng pagbibigay ng
shelter aid sa mga barangay.
Nabatid na napakarami na ring reklamo ang
nagsilabasan sa mga pahayagan at radyo sa Aklan tungkol sa pagbibigay ng
nasabing assistance.
Samantala, sinabi pa ni Salazar na iimbestigahan
din nila kung natatanggap ng buo ang 30, 000 pesos at 10, 000 pesos ng mga
nabiktima ng bagyong Yolanda mula sa gobyerno.
Nagbabala din ito sa mga opisyal na nagmamanipula
sa pagbibigay ng nasabing assistance.
No comments:
Post a Comment