Friday, April 17, 2015

DTI, may Negosyo Center na rin para sa mga gustong magnegosyo sa Aklan

Posted April 16, 2015
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Image result for dti negosyo centerMagbubukas na rin ang Department of Trade and Industry (DTI) ng mga Negosyo Center sa probinsya ng Aklan.

Ayon kay DTI Aklan Senior Trade-Industry Development Specialist Ma. Stella Caldera, gaganapin ito sa ika-24 ng Abril, kung saan magiging kauna-unahang negosyo center sa probinsya at pangalawa naman sa Panay Island.

Image result for dti negosyo centerAnya, sari-saring serbisyo ang ibibigay ng center na ito sa mga gustong magnegosyo maging sa mga dating nang negosyante na nais pang palaguin ang kanilang business.

Halimbawa, sa mga start-up business, ituturo ng DTI kung paano magrehistro ng business name.

Mayroon din umanong counseling at training sa mga aspeto ng negosyo gaya ng accounting at pricing.

Samantala, sa mga manufacturer naman na may sariling produkto, tutulong din umano sila para makakuha ng product certification na kailangan para maibenta ang produkto.

Dagdag pa ni Caldera, target ng DTI na makapagbukas ng mga Negosyo Centers sa iba’t ibang lungsod sa bansa.

No comments:

Post a Comment