Friday, April 17, 2015

(Update) Bangkay ng babaeng natagpuan kahapon sa station 3 Boracay, nakilala na

Posted April 17, 2015
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay

Image result for death investigationNakilala na ang bangkay ng babaeng natagpuan kahapon sa station 3 Boracay.

Sa pinakahuling imbestigasyon ng Boracay PNP, nakilala ang bangkay na si Katrina Valera, 43 anyos ng Solano, Nueva Viscaya, at guest ng Sheridan Villas sa Station 3 Barangay Manoc-manoc.

Kasalukuyan namang ino-autopsy ang kanyang bangkay upang malaman ang sanhi ng kanyang pagkamatay.

Magugunitang nakataob habang nakalutang sa dagat nang matagpuan ang katawan ni Katrina nitong nakaraang araw ng Miyerkules ng umaga.

Naka-damit siya ng pang-swimming at short nang makita may 15 metro ang layo mula sa dalampasigan.

1 comment:

  1. pwede po ba humingi ng tulong sa inyo... hanapin ang may sala sa nangyare sa kapatid ko. kapatid po ako ni kathrina valera...

    ReplyDelete