Wednesday, April 15, 2015

Meeting para sa APEC ministerial meeting sa Boracay, kaliwat-kanan na

Posted April 15, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Photo Credit: Embedded image permalink
Kaliwat kanan ngayon ang ginagawang pagpupulong ng Provincial Government ng Aklan at ng LGU Malay katuwang ang ibat-ibang concern agencies sa probinsya.

Ito ay dahil sa nalalapit na Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit Ministerial Meeting sa Boracay ngayong ikalawang linggo ng Mayo.

Nabatid na nakatakda naman ngayong araw ang pagpupulong ng Department of Health (DOH) at ng LGU Malay kaugnay sa nasabing Summit.

Kahapon naman ay isang meeting ang isinagawa ng ilang otoridad mula sa Aklan kasama ang Malay PNP Station na ginanap din sa Boracay upang mas lalong paigtingin ang seguridad sa gaganaping ministerial meeting.

Kaugnay nito nagsagawa naman ng inspeksyon ang Department of Tourism (DOT) sa pangunguna mismo ni USEC. Maria Victoria Jasmin sa Caticlan Jetty Port nitong nakaraang linggo kung saan personal nitong sinuri ang paglalagyan ng mga tarpaulin para sa naturang meeting.

Samantala, inaasahang marami ang mangyayaring pagbabago sa isla ng Boracay lalo na sa area ng front beach bilang paghahanda sa pinakamalaking meeting sa buong Asya na magaganap sa prestihiyusong isla.

No comments:

Post a Comment