Thursday, April 16, 2015

Operation ng Casino sa Boracay, aprobado na sa 2nd at final reading ng SB Malay

Posted April 16, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for CasinoAprobado na sa 2nd and final reading ng SB Malay ang endorsement letter ng Boracay New Coast Hotel Group Inc. na mag-operate ng Casino at Entertainment Business sa Isla.

Sa ginanap na 14th regular SB Session ng Malay nitong Martes, naka-calendar na sa business for 2nd reading ang nasabing usapin kung saan ito ay tinalakay ni SB Member at Chairman ng Committee on Laws Rowen Aguirre.

Muli namang iginiit ni Aguirre na ang mga guest lang ng resort kung saan itatayo ang Casino ang siyang puweding makapaglaro rito at ang mayroong foreign passport.

Sinabi pa nito na ang Casino at Entertainment Business ay maaaring makatulong sa mga local community dahil sa magbubukas umano ito ng maraming job opportunities.

Kaugnay nito hiniling naman ni Vice Mayor Welbic Gelito na kung maaari ay makapagbigay ng letter of undertaking ang New Coast sa kanila para sa ilang kondisyon.

Samantala, bagamat inaprobahan ang endorsement letter para dito, isang masusing pag-aaral pa ang gagawin ng Konseho bago tuluyang maisakatuparan ang kahilingan ng New Coast.

Sa ngayon umaani naman ng ibat-ibang reaksyon mula sa mga netizens ang pagtatayo ng Casino at Entertainment Business sa Boracay kung saan karamihan sa mga ito ay hindi pabor sa pangambang hindi maganda ang maidudulot nito sa isla.

No comments:

Post a Comment