Posted April 16, 2015
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Tumanggi munang magbigay ng pahayag ang Department
of Social Welfare and Development Office (DSWD) kaugnay sa mga reklamo sa
Emergency Shelter Assistance.
Sa pakikipagpanayam ng himpilang ito sa tanggapan
ng DSWD Aklan, tumanggi munang magbigay ng pahayag ang mga staff doon sapagka’t
si DSWD Department Head Evangelina Gallega lamang umano ang maaaring sumagot
dito.
Kaugnay nito, sinubukan ding kunan ng pahayag si
Gallega subalit nananatili pa rin umano itong abala sa iba pang mga programa ng
DSWD.
Samantala, nabatid na nitong ika-8 ng Abril ay
nagkaroon ng kilos protesta ang iba’t-ibang mga raliyista sa Aklan dahil sa di
umano’y mga iregularidad sa pamamahagi ng tulong.
Dagdag pa rito binabatikos din ng mga ito ang
Memorandum Circular No. 24 ng gobyerno, kung saan sinasabing ito ang batayan na
sinusunod DSWD sa pagbibigay ng financial assistance.
Ayon kasi kay Bagong Alyansang Makabayan-Aklan
coordinator George Calaor.
Pinipili umano ng DSWD ang kanilang binibigyan ng
pinansyal na tulong at mga pabahay gayong lahat naman umano ay napinsala nang
dumaan ang bagyong Yolanda sa probinsya.
No comments:
Post a Comment