YES THE BEST 911 BORACAY

Wednesday, April 15, 2015

Ilang establisemyento sa isla, hati ang saloobin kaugnay ng pagdating ng mga cruise ship sa Boracay

Posted April 15, 2015
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay

Image result for commentPatuloy na lumalago ang cruise ship industry sa isla ng Boracay.

Bunga na rin ito ng mga pagma-market ng Department of Tourism, mga stakeholders at iba pang government agencies upang mahikayat ang marami pang turista sa isla.

Dahil dito, madalas naghahanda ang mga nasabing ahensya sa tuwing may darating na cruise ship.

Subali’t nabatid na mistulang hindi pala ramdam ng ilang negosyante dito ang maituturing na biyayang dala ng mga nasabing barko.

Kaugnay nito, pinulsuhan ng aming himpilan ang ilang establisemyento sa isla kung tumataas din ba ang kanilang kita sa tuwing may cruise ship na bumibisita.

Sa isang maikling survey sa ilang souvenir shop at cooking service, aming nabatid na hati ang kanilang saloobin tungkol dito.

May mga nagsabi kasi na hindi sila excited pag may dumating na cruise ship, habang masaya naman ang ilan dahil sa dagdag kita umanong naibibigay sa kanila ng mga turistang sakay ng cruise ship.

Samantala, ayon naman sa ilan naming nakapanayam, Jetty Port lamang umano ang nakikinabang sa tuwing may dumarating na cruise ship sa Boracay.

May mga magsasabi rin na malaki ang naiaambag ng mga turistang dala ng cruise ship sa naitatalang tourist arrival ng isla.

No comments:

Post a Comment