Tuesday, April 14, 2015

Tour Guide at komisyoner na nambibiktima ng turista, tutugisin ng BTAC

Posted April 14, 2015
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay

Image result for boracay pnp stationTutugisin at mananagot ang mga tour guide at komisyoner na nambibiktima ng turista sa isla.

Ito ang babala ngayon ng BTAC o Boracay Tourist Assistance Center kasunod ng napaulat na namang panloloko sa mga turista ng mga tinaguriang ‘pasaway’ sa Boracay.

Base kasi sa police report ng Boracay PNP, isang turista ang hindi sinipot ng tour guide matapos nitong makuha ang deposit para sa kanilang binayarang activities.

Bagama’t inayos na umano ng kapatid ng inirereklamong tour ang gusot sa pagitan nila ng turista, sinabi naman ni BTAC OIC P/SInp.Frensy Andrade hindi parin umano ito ‘ok’.

Kaugnay nito, nanindigan din si Andrade na hahanapin at hahabulin parin nila ang mga nanloloko ng mga turista kahit magtago man ang mga ito.

Samantala, nabatid naman na patuloy paring nakikipaglaro ng “hide and seek” ang mga illegal na tour guide at komisyoner sa mga kapulisan sa kabila ng kampanya ng LGU Malay na lilinisin na ang beach front ng isla laban sa mga pasaway.

No comments:

Post a Comment