Posted April 15, 2015
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Nagkukumahog na ngayon ang pamahalaang probinsyal
ng Aklan na tapusin ang road beautification and widening project upang maihabol
sa APEC Ministerial Meeting.
Ayon kay Aklan Provincial Administrator Atty.
Selwyn Ibarreta, nais umano ng probinsya na maging maganda at malinis ang
madadaanan ng mga delegado para sa APEC Summit Ministerial meeting sa Boracay
ngayong darating na Mayo.
Anya, nagpapasalamat din ito sa pagsusumikap ng
Department of Public Works and Highways (DPWH) at Department of Tourism (DOT)
na agad na matapos ang proyekto.
Samantala, nabatid na naglaan ang gobyerno ng 500
thousand pesos na budget para sa DOT Highway beautification project sa Aklan
upang mapaganda ang kalsada mula Kalibo International Airport papuntang
Caticlan at ruta ng Malay.
Kaugnay nito, hiniling din sa pamamagitan ng isang
resolusyon ni SP Member Roberto Garcia, Jr. na kailangan ang pagkakaroon ng
sapat na mga warning signage’s sa national highway mula sa bayan ng Altavas
papuntang Malay, lalo na sa mga bahaging sumasailalim sa road widening project.
Inaasahan din kasi na kapag natapos na ang nasabing
proyekto ay magiging madali na sa mga residente ang pagbiyahe o maging sa mga
local tourist na gustong pumunta sa isla ng Boracay.
No comments:
Post a Comment