Posted April 12, 2015
Ni Bert Dalida YES FM Boracay
Photo Credit to Boracay PNP |
Kabi-kabilaan na ngayon ang mga
event sa isla ng Boracay pagkatapos ng Holy Week.
Kasunod nito, inaasahan na lalong
tututukan ng mga otoridad ang pagpapatupad ng mga ordinansa.
Maaari kasing masalaula ang beach
front dahil sa dami ng mga taong nais sumaksi o makibahagi sa mga nasabing
aktibidad o events katulad nitong nakaraang “2014 LaBoracay”.
Magugunitang umani ng iba’t-ibang
reaksyon maging sa mga netizens sa isla ang resulta ng biglang pagbuhos ng mga
lokal na turista nitong nakaraang LaBoracay dahil sa mga nagkalat na basura sa
beach front sa kasagsagan ng mga event at beach parties.
Dahil dito, kapansin-pansin ang
pagroronda ng mga pulis, MAP-Boracay, Task Group Boracay-Philippine Army, at
ilan pang force multipliers sa isla upang matiyak na nasusunod ang mga
ordinansa katulad ng bawal manigarilyo, kumain, uminom at umihi sa
tabing-dagat.
Samantala, mistulang ikinadismaya
naman ng mga negosyante sa isla ang “mahina” umanong pagpasok ng mga turista nitong
nakaraang Holy Week, subali’t tila nabuhayan din ng loob nang muling humataw
ang mga nasabing events sa isla.
No comments:
Post a Comment