Monday, April 13, 2015

“12th Fiesta de Obreros” ng Malay, pinaghahandaan na

Posted April 13, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Pinaghahandaan na ngayon ng Lokal na Pamahalaan ng Malay ang nalalapit na selebrasyon ng “12th Fiesta De Obreros” sa Mayo 1, 2015.

Katunayan ilang aktibidad na ang ikinakasa ng ibat-ibang departamento ng LGU Malay lalo na ang Municipal Tourism Office (Mtour).

Nabatid na ngayong darating na Abril 25-26, 2015 ay magkakaroon ng 4th Malay MTB Challenge at Fun ride for a cause na lalahukan ng mga mahilig magbisiklita.

Kaugnay nito ang Department of Education (DepEd) Malay ay naghahanda na rin sa kanilang ikalawang Drum and Lyre competition na gaganapin naman sa Abril 30 kung saan maglalaban-laban rito ang mga paaralan sa Malay.

Bilang highlight naman sa nasabing okasyon muli na namang maghaharap-harap ang 17 brgy. Sa Malay para sa inaabangan Fiesta De Obreros Street and ground presentation contest kung saan isang malaking premyo ang naghihintay para rito.

Samantala, ipinagdiriwang ang nasabing kapistahan kasabay ng Araw ng Manggagawa o Labor Day bilang pagbibigay pugay sa kanilang patron na si St. Joseph the Worker.

No comments:

Post a Comment