Friday, April 17, 2015

Bagong Uniforme ng MAP Boracay, binago para sa APEC Summit ngayong Mayo

Posted April 17, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for mUNICIPAL aUXILIARY POLICE boracayDinagdagan ngayon ng Lokal na Pamahalaan ng Malay ang Uniforme ng Municipal Auxiliary Police (MAP) Boracay.

Ayon sa Malay Transportation Office, ang pagpapalit umano ng uniforme ng MAP members ay bahagi ng kanilang ikinakasang paghahanda sa nalalapit na APEC sa Boracay ngayong buwan ng Mayo.

Maliban umano sa MAP ilan pang departamento ng LGU Malay ang may mga bagong uniforme upang ipakita ang pagsuporta at kahandaan sa naturang meeting.

Kaugnay nito nakatakda namang palitan ang uniforme ng mga pulis sa Boracay Tourist Assistance Center (BTAC) bago ang APEC.

Nabatid na puspusan na ngayon ang ginagawang paghahanda ng LGU Malay para dito lalo na sa pagpapaigting ng seguridad kung kayat nais ng mga ito na maging presentable sa mga delagado ang mga otoridad sa Boracay.

No comments:

Post a Comment