Wednesday, April 15, 2015

Bangkay ng babae, natagpuan sa dalampasigan ng station 3 Boracay

Posted April 15, 2015
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay

Isang bangkay ng babae ang natagpuan sa station 3 Boracay kaninang umaga.

Sa report ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) Boracay, nakataob habang nakalutang sa dagat nang matagpuan ang katawan ng hindi pa nakikilalang babae.

Tinatayang nasa edad 35-40 anyos ito at 5’5’’ ang taas, semi-round ang mukha, maikli ang itim na buhok, parehong itim ang swimming shirt at short, white complexion, at may scorpion tattoo sa kanang paa.

May suot din itong singsing sa kaliwang kamay na may pangalang MYRA 3-11-03.

Samantala, naghihintay naman ang SOCO at Boracay PNP sa sinumang makatulong upang makilala ang bangkay na kasalukuyang nasa isang punerarya sa Mainland Malay.    

No comments:

Post a Comment