Friday, April 17, 2015

Seguridad sa pagdating ng mga Hong Kong Consular bukas, nakaplotting na

Posted April 17, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for APEC Ministerial meeting 2015Darating na bukas araw ng Biyernes ang mga Hong Kong Consular sa isla ng Boracay.

Kaugnay nito tiniyak ni Boracay Tourist Assistance Center OIC PSINS. Frensy Andrade na naka-plotting na ang seguridad para sa mga nasabing opisyal

Ayon kay Andrade, 7 mga Hong Kong Consular ang darating sa Biyernes para sa tatlong araw na pag-inspeksyon kaugnay sa gaganaping APEC Ministerial Meeting sa susunod na buwan.

Samantala, kinumpirma naman ng Department of Tourism (DOT) Sub-Office Boracay na magiging katuwang sila sa gagawing inspeksyon.

Sa ngayon kaliwat-kanan na rin ang ginagawang pagpupulong ng ibat-ibang departamento ng gobyerno sa Aklan katuwang ang mga private agencies sa isla upang masiguro ang kahandaan ng Boracay na mag-host ng pinakamalaking meeting sa buong Asya.

No comments:

Post a Comment