Tuesday, April 14, 2015

Lumot sa beach front ng Boracay, lilinisin para sa nalalapit na APEC

Posted April 13, 2015
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay

Image result for algae in boracayLiliisin para sa nalalapit na APEC ministerial meeting ang mga lumot sa beach front ng Boracay.

Ito ang kinumpirma kanina ni Boracay Island Administrator Glenn Sacapaño sa ginanap na Joint Flag Raising ng Boracay Action Group sa station 2.

Ayon kay Sacapaño, sisimulang linisin ang mga lumot sa susunod na Lunes na pangungunahan ng BSWAT o Boracay Solid Waste Action Team.

Samantala, kaugnay nito, inanyayahan naman ni Sacapaño ang mga nais mag-volunteer mula sa grupo ng BAG sa paglilinis ng mga lumot sa itinakdang araw.

Aminado naman ang administrador na marami pa ring mga turista sa isla ang hindi nakakaalam tungkol sa presensya ng lumot sa beach front.

Magugunitang paulit-ulit na ring umani ng pagpuna at opinyon mula sa mga turista ang lumot na pinaniniwalaan din ng mga lokal na residente sa Boracay na siyang nakapagpapaputi ng buhangin nito.

No comments:

Post a Comment