Friday, April 17, 2015

Itinatayong 7 storey Building na The Lind Boracay, inimbistigahan na ng BRTF

Posted April 17, 2015
Ni Bert Dalida YES FM Boracay

Image result for the lind boracayKinumpirma ngayon ng BRTF o Boracay Redevelopment Office na inimbistigahan na nila ang itinatayong 7 storey building sa isla ng Boracay.

Bagama’t tumanggi na munang magbigay ng recorded interview tungkol dito si BRTF Technical head Engr. Azur Gelito.

Sinabi nito na lumagpas sa area requirement ng Municipal Ordinance No. 328 series of 2013 ang taas ng nasabing resort.

Nabatid kasi base pa sa ordinansa na hanggang apat na palapag o 4 storey building sa area ng 1,000 sq m pataas ang pinahihintulutang itayo sa isla.

Kaugnay nito, nagpapatuloy parin umano nilang pinag-aaralan ang mga dokumentong hawak ng nasabing resort para sa kaukulang disposisyon.

Samantala, sinubukan naman naming kunan uli ng pahayag tungkol dito si SB Member Rowen Aguirre, subali’t wala pa kaming tugon na natatanggap mula sa kanya.

No comments:

Post a Comment