Tuesday, April 14, 2015

Bahay sa Gibon, Nabas, Aklan, inararo ng dump truck

Posted April 13, 2015
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay

Isang bahay sa Barangay Gibon, Nabas, Aklan ang inararo ng dump truck kaninang umaga.

Base sa report ng Nabas PNP, sugatan at isinugod sa Ibajay District Hospital ang driver ng dump truck na si Ruel Umandan ng Bagacay, Ibajay, Aklan, matapos umano nitong masagi ang isa pang dump truck na minamaneho naman ni Joefel Baldevieso ng Rizal, Nabas.

Papunta umano sa direksyon ng Barangay Caticlan si Umandan nang makasalubong nito sa kurbadang bahagi ng kalsada si Baldevieso.

Ayon pa sa report, nawalan ng kontrol sa pagmamaneho si Umandan matapos masagi ang sasakyan at inararo ang bahay doon ni James Laserna.

Samantala, nasa kostodiya ngayon ang minamanehong truck ni Umandan habang ginagamot siya sa ospital.

Wala namang iba pang napaulat na nasugatan sa insidente.

No comments:

Post a Comment