Monday, April 13, 2015

BFI, ipapaubaya na muna sa SB Malay ang pagpasok ng Casino sa Boracay

Posted April 13, 2015
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay

Image result for casinoIpapaubaya na muna ng BFI sa SB Malay ang pagpasok ng Casino sa Boracay.

Kasunod ito ng paghingi ng endorsement ng Boracay New Coast Hotel Group Inc. sa SB para operasyon ng Casino at Entertainment Business sa isla.

Bagama’t hindi pa umano nila ito napag-uusapan, ipinaalala naman ni BFI o Boracay Foundation Inc. President Jony Salme na dalawang beses na nila itong tinutulan.

Maliban dito, titingnan din umano nila kung ano ang magiging paliwanang ng Boracay New Coast sa sistema ng nasabing opersayon.

Samantala, sa ginanap na 13th Regular SB Session ng Malay nitong Martes, nabatid na nilinaw umano ng Boracay New Coast kay SB Member at Chairman ng Committee on Laws Rowen Aguirre na ang mga guest ng nasabing hotel lamang ang makapagalalaro ng Casino.

Magugunita namang mahigpit na tinutulan ng Simbahang Katolika at ilan pang simbahan sa isla ang pagpasok at pag-operate ng nasabing sugal dahil isa itong family-oriented tourist destination.

No comments:

Post a Comment