Tuesday, April 14, 2015

HRP Boracay, “No Way” parin sa Casino

Posted April 14, 2015
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay

Image result for no way“No Way” parin sa Casino ang HRP o Holy Rosary Parish Boracay.

Kasunod ito ng paghingi ng Boracay New Coast Hotel Group Inc. ng endorsement mula sa SB Malay para sa operasyon ng nasabing sugal.

Katunayan, sinabi ni HRP Boracay Priest Moderator Father ‘Nonoy’ Crisostomo na hindi parin nagbabago ang paninindigan ng simbahan tungkol dito.

Naniniwala umano kasi si Crisostomo na hindi nakakabuti ang anumang uri ng sugal.

Maliban dito, hindi rin kumbinsido si Crisostomo na mga guest lamang ng nasabing resort ang makakapasok para maglaro, gaya ng naunang sinabi umano ng Boracay New Coast kay SB Member Rowen Aguirre.

Samantala, ikinabahala din nito ang masamang maidudulot ng Casino sa lipunan, lalo pa’t maaaring mabago ang imahin ng Boracay bilang family-oriented tourist destination.

Magugunita namang inalmahan ng Simbang Katolika sa isla noong panahon pa ni HRP Boracay Parish Priest Father “Sau” David ang pagpasok ng Casino sa isla dahil sa “social problems” na maaaring idulot nito sa lipunan.

Sa isang pahayag, sinabi noon ni Father “Sau” na mas malaki pa ang mga konsekwensyang maidudulot ng nasabing sugal sa mga benipisyo umanong maibibigay nito sa mga anak ng Boracay.

No comments:

Post a Comment