YES THE BEST 911 BORACAY

Tuesday, April 14, 2015

Boracay 13 oras na mawawalan ng suplay ng kuryente ngayong Linggo

Posted April 14, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for poste ng kuryenteApektado ang isla ng Boracay sa isasagawang power interruption ng National Grid Corp. of the Philippines (NGCP) ngayong darating na Linggo.

Ito ay para bigyang daan ang pagpapaayos ng power lines at mga poste bilang paghahanda sa hosting ng Boracay sa Asia-Pacific Economic Cooperation meetings (APEC) Summit Ministerial meeting ngayong Mayo.

Ayon kay Rence Oczon, Information officer ng Aklan Electric Cooperative (AKELCO), ang initial schedule umano ng power interruption ay nakatakda noong Abril 12, kung saan inurong umano ito ng NGCP ngayong Abril 19 dahil sa kahilingan ng provincial government ng Capiz na ngayon ay nagdiriwang ng “Capiztahan festival”.

Nabatid na maliban sa buong lalawigan ng Aklan, may tatlong probinsya pa sa Western Visayas ang kasama sa malawakang power interruption kabilang na ang bayan ng Pandan at Libertad sa Antique.

Samantala sinabi pa ni Oczon na magsisimula ang power interruption ng ala-6 ng umaga hanggang ala- 5 ng hapon ngayong Linggo.

No comments:

Post a Comment