Saturday, April 18, 2015

BIR iginiit na may mga resort sa Boracay na hindi nagbabayad ng Tax

Posted April 18, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for BIRIginiit ngayon ng Bureau of Internal Revenue (BIR) Aklan na may ilang mga resort sa Boracay ang hindi nagbabayad ng tamang buwis.

Ayon kay Bureau of Internal Revenue (BIR) Aklan revenue district officer Eralen De Aro, binibigyan din umano nila ang mga ito ng tiyansang makapagbayad ngunit kung hindi umano ay nagpapalabas sila ng order na ipasarado ang establisyemento.

Idinagdag naman ni De Aro na nakakatanggap ang kanilang tanggapan ng ilang reklamo tungkol sa mga negosyo sa Boracay na walang BIR registration.

Dahil dito nagsagawa umano sila ng mapping sa Boracay para alamin ang nasabing reklamo ngunit bigo naman silang matunton ang mga ito matapos silang takbuhan.

Samantala, tumanggi namang pangalanan ng BIR kung anong mga resort sa Boracay ang hindi nagbabayad ng tamang buwis.

Nabatid na target ngayon ng BIR-Aklan na maka-kolekta ng P1.5 billion sa tax ngayong taon.

No comments:

Post a Comment