YES THE BEST 911 BORACAY

Saturday, July 30, 2016

Mga hotel sa Boracay, hinikayat na maging “green”

Posted July 30, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for environment-friendlyHinikayat ngayon ng Department of Trade and Industry (DTI) Aklan ang mga hotel at establishment sa isla ng Boracay na maging environment-friendly.

Ito’y bilang kanilang tugon sa panawagan ng Duterte administration for environmental preservation ayon kay DTI Aklan Officer In-Charge Carmen Iturralde.

Ayon kay Iturralde, makikipagpulong umano ito sa ibat-ibang sektor para mapag-usapan kung paano ang paggamit ng “green’ items” gayon din at umaasa umano siya na masisiyahan ang mga hotel sa Boracay sa inisyatibong ito.

Nabatid na kung ang mga hotel ay bibili ng produktong gagamitin mula sa recyclable materials sa Aklan, lokal na magsasaka at mga negosyante ay magkakaroon ng motibasyon ang mga ito na magtanim ng madaming puno at halaman.

Matatandaang sa unang State of the Nation Address noong Lunes ni Pangulong Rodrigo Duterte ay tinawag nito ang pansin ng publiko na tumulong sa pagpreserba ng kalikasan.

No comments:

Post a Comment