Friday, July 29, 2016

Mga pulis na galing sa RSPB tutulong sa operasyon ng BTAC sa Boracay

Posted July 29, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Hindi lang ngayon Ati Community sa Ati Village sa Boracay ang tututukan ng mga pulis na galing sa Regional Public Safety Battalion (RPSB).

Ito ang ipinaabot ni Police Inspector Ryan Panadero sa pagdalo nito sa SB Session ng Malay para sa pagbabago ng kanilang operasyon sa isla.

Ayon kay Panadero, tututukan din umano nila ang pagpapatupad ng seguridad sa ibang area ng Boracay lalo na sa mga residente na nakatira dito.

Suporta din umano nila sa pakikipagtulungan ang Boracay PNP at ang Malay PNP na matulungan ang publiko lalo na ang isla ng Boracay na nakahanda  sila sa anumang responde.

Nabatid na merong 13 pulis ng RSPB ang naka-duty ngayon sa naturang lugar kung saan layon nila na maprotektahan ang komunidad ng Ati sa Boracay.

No comments:

Post a Comment