Tuesday, July 26, 2016

Patuloy na konstraksyon sa West Cove Resort sa Boracay, nakatakdang inspeksyonin

Posted July 26, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Nakatakda ngayong bisitahin ng Sangguniang Bayan (SB) Malay ang West Cove Resort sa Sitio Diniwid Brgy. Balabag, Boracay.

Sa ginanap na 4rth Regular session ng (SB) Malay kaninang umaga tinalakay ni SB member Nenette Aguirre-Graf sa kanyang privilege speech ang nag-papatuloy na konstraksyon sa nasabing lugar kung saan matagal na umano itong pinatigil dahil sa ilang violation.

Dahil dito, itinalaga ni Vice Mayor Abram Sualog si Graf na pangunahan ang nasabing pagbisita sa lugar kasama si SB member Natalie Paderes.

Nakatakda silang magsagawa ng Ocular Inspection kasama dito ang Committee on Environment, Committee on Tourism, Committee on Transportation at ang Engineering, Licensing at Zoning Office ng LGU Malay.

Matatandaang naging kontrobersyal ang West Cove resort makaraang babaan ng kautusan ng DENR, Department of Interior and Local Government o DILG at ng LGU Malay na ipatanggal ito dahil sa lumabag sa batas pangkapaligiran.

No comments:

Post a Comment