Wednesday, July 27, 2016

Mga Police Commissioned Officers sa Aklan na-promote!

Posted July 27, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for PNP PROMOTION REGION 6Limang mga Police Commissioned Officers ang na-promote sa probinsya ng Aklan sa isinagawang donning of ranks sa Regional Police Office 6 nitong nakaraang araw.

Ito ang masayang ibinalita ni PO3 Nida Gregas Chief PIO ng Aklan PPO pagkatapos ng nasabing pag-promote sa mga pulis.

Ayon kay Gregas kabilang si Police Senior Inspector Frenzy Andrade ng Malay PNP sa na-promote kung saan isa na siya ngayong Police Chief Inspector, habang si Police Inspector Cyril Punzalan ay Police Senior Inspector na ngayon ng Ibajay PNP .

Na promote din si Police Inspector Leopoldo Booc ng Lezo PNP na ngayon ay isa ng Police Senior Inspector.
Maliban dito si Inspector Geo Colibao ng Buruanga PNP ay isa na ngayong Police Senior Inspector, at si Police Inspector Jayson Belcenna ng Aklan Public Safety Company ay isa na din ngayong Senior Inspector Belcenna na.

Samantala, tumaas naman ang posisyon ni Spo4 Jose Ituralde na ngayon ay isa na siyang Police Inspector ng Lezo PNP.

Maliban sa mga ito ang mga Police Commissioned Officers na dating na assigned sa Aklan Police na tumaas din ang posisyon mula sa Police Inspector ngayon Police Senior Inspectors na ay sina Alyssa Sinlao dating hepe ng Makato PNP, Jinky Lou Ramos at Jose Mark Anthony Gesulga ng Boracay Tourist Assistance Center na ngayon ay sa Regional Police Office na assigned.

Sa kabilang banda inaantay na ngayon ang order ng mga nagpa promote na mga Police Non Commissioned Officers ng PO2 hanggang SPO4.

No comments:

Post a Comment