Tuesday, July 26, 2016

Boracay PNP Chief tiwalang walang pulis sa kanyang hanay na sangkot sa illegal drugs

Posted July 26, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Tiwala si Senior Inspector Nilo Morallos, BTAC PNP chief na walang pulis sa kanyang hanay ang sangkot sa illegal na druga.

Ito’y matapos silang sumailalim nitong araw ng Linggo sa drug test kung saan nasa 150 umanong mga pulis ang sumabak dito kasama na ang Public Safety, SWAT at ang mga police na naka-augment ngayon sa Boracay.

Sa kabila umano nito ay wala pa silang resulta sa nasabing drug test kung saan inaasahan na lalabas sa susunod na linggo.

Nabatid na base sa utos ng PNP ay kailangang makapagsagawa ang lahat ng mga police station sa bansa ng drug test bago magtapos ang buwang ito.

Ayon pa kay Morallos, lahat naman umanong mga pulis ng BTAC ay nakapag-undergo sa drug test na isinagawa mismo ni Chief Inspector Josephine Jomocan ng Aklan Police Provincial Office (APPO).

Samantala, sinabi pa nito na kung sino mang pulis ang mag-popositibo sa drug test ay isasailalim ito sa Administrative case at imbestigasyon na magiging dahilan din ng pagtanggal sa kanila sa trabaho.

No comments:

Post a Comment