Posted July 24, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Image by Boracay PNP |
Ayon kay Senior Police Officer 1 Christopher Mendoza,
chief of Police Community Relations, ng Boracay Tourist Assistance Center
(BTAC), mandatory umano ang nasabing drug testing na kinabibilangan ng 84 na
pulis ng BTAC kasama ang 48 field training police at 21 field training officers.
Sumailalim umano ang mga ito sa drug test sa pamamagitan
ng conventional urine samples kung saan kasabay nito ay ipinasa rin nila ang
kanilang urine sample sa Crime Laboratory personnel ng Boracay extension
office.
Nabatid na layun ng nasabing mandatory drug testing ay
para maiangat ang integridad ng mga kapulisan at malinis ang kanilang hanay sa
pamamagitan laban sa illegal na druga.
Samantala kung sino mang pulis ang makikitaang positibo
sa paggamit ng illegal drugs ay isasailalim ang mga ito sa confirmatory test o
tatanggalin sa serbisyo.
No comments:
Post a Comment